BAKASYON na hindi malilimutan

BAKASYON na hindi malilimutan
Dear Miss Love, Ako si William, 21 taong gulang, kumukuha ng kursong kriminolohiya. Wala pang kasintahan. At tulad ng karamihan sa mga kaedad ko, abala lang ako sa tropa, mga laro, at gimik. Panahon na ng bakasyon at inakala kong magiging ordinaryo lang ang summer ko hanggang sa dumating si Tita Luningning, ang matalik na kaibigan ni mama. Sabado noon. Umuwi ako galing sa tambayan nang tanghali. Maingay ang bahay, may tawanan at hagikhikan mula sa loob. Pumasok ako. Pawisan at amoy-araw ako, at doon ko siya unang nakita. May edad na siya. Halatang lagpas 40 na. Pero maganda siya. Malinis at puti ang kanyang suot. At kahit simpleng blouse at pants lang ang suot niya, nagniningning ang kanyang alindog. Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang tumigil ang lahat sa paligid nang magtama ang aming mga paningin. “Oh, siya nga pala, siya ang anak kong si William,” nakangiting sabi ni mama habang pinapakilala ako. Ngumiti ako. “Mas gumanda po yata kayo ngayong tanghali.” Biro ko habang umiiling. Ngumiti siya. Isang ngiting may halong gulat at kagaangan ng loob. “Naku, may anak ka pa yatang bolero, Tess,” sabi niya kay mama. “Naku, mabait po iyan,” sabi ko habang iniaabot ang kamay ko ngunit bahagya niya itong binawi ng kaunti. “Huwag kang mag-alala, mukha na akong matanda,” sagot niya habang tumatawa. Natuwa rin ako. Pero sa totoo lang, nang mahawakan ko ang kamay niya sandali, may dumaloy sa dibdib ko. Mainit, malambot, at may kakaibang pakiramdam. Hindi ko alam kung hiya ba ito o ano. Parang may tumama lang sa akin. “Mabuti at nandito ka na, anak,” sabi ni Mama. “Siya ang Tita Luningning mo. Matagal na kaming hindi nagkita. Dito muna siya magbabakasyon ng ilang linggo. Siya yung kinukwento ko sa iyo. Kaibigan ko noong high school.” Tumango na lang ako. “Ah, ganoon po ba? Ayos ‘yan. Kahit paano ay may makakausap kayo.” Ngumiti si Tita Luningning at tumingin sa akin. “Baka pwede kitang makausap dito nang wala si Tess.” Nagtawanan kami ni Mama, pero sa loob-loob ko ay nakaramdam ako ng kakaibang kilig sa sinabi niya. Pagkatapos mananghalian, naging abala si mama sa kusina habang inaayos naman ni Tita Luningning ang mga gamit niya sa kwarto. Napadaan ako sa pasilyo at tinanong ko siya kung sinong nag-aayos ng maleta niya. Nakatali ang buhok niya at nakasuot lang siya ng simpleng duster. Pero hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Ang aliwalas niyang tingnan. Ang kalmado ng bawat galaw niya. Yung tipong babae na hindi mo mapapansin agad pero habang tumatagal ay mas magugustuhan mo. “Uy, William!” Sigaw ni Mama mula sa kusina. “Pakitulungan nga ang Tita mo sa mga bagahe niya.” Lumapit agad ako. “Ah Tita, tulungan ko na po kayo.” “Napakagentleman naman pala ng anak mo, Tess,” sigaw niya pabalik. Ngumiti ako. Baka kasi magalit si Mama kung hindi ko tutulungan ang isang magandang bisita. Umiling siya. “Naku, bolero ka talaga.” Tiningnan ko siya at ngumiti siya. Ewan ko ba, pero iba talaga siya. Hindi tulad ng mga babae sa labas. May misteryoso at nakakaintriga siyang pagkatao. Nang gabing iyon habang nanonood kami ng TV, umupo siya sa sofa malapit sa akin. Nasa labas si Mama at nakikipagkwentuhan sa kapitbahay. Tahimik lang kaming dalawa pero ramdam kong ilang beses siyang napatingin sa akin at biglang iiwas. “Ah, William?” Bigla niyang sabi. “Ilang taon ka na nga ulit?” “21 po, Tita.” “Oh, ang bata mo pa talaga. Huling beses na nagkwento si Tess tungkol sa iyo, sabi niya bata ka pa at pasaway.” “Totoo po ‘yun. Pero mabait na po ako ngayon.” “Sigurado ka ba?” Tanong niya. Hindi ako nakasagot agad. Tinitigan ko lang siya sa mga mata na parang nakikipag-usap. “O baka na-offend ka sa biro ko.” Ah, sabi ko, “Hindi po. Mas gusto ko nga po yung may kausap na marunong ding mang-asar.” “Marunong ka palang makisama.” “Aba, nakikisama po,” sabi niya sabay tawa. At sa tawang iyon, parang may lumambot sa loob ko. Hindi ko maipaliwanag, pero gusto ko pa siyang makilala. Kinaumagahan, maaga akong nagising. Paglabas ko, nakita ko siyang nagkakape sa terrace. Ang ganda niya sa umaga. Nakasuot lang siya ng simpleng puting damit at shorts. Medyo magulo pa ang buhok niya pero natural. “Maaga ka yatang nagising?” Sabi ko. “Hindi kasi ako masyadong nakatulog. Hindi pa ako sanay sa tahimik dito sa probinsya,” nakangiting sagot niya. Lumapit ako. “Masanay rin po kayo, lalo na’t palagi niyo na akong makakasama sa umaga habang nagkakape. Biro lang po.” “Loko-loko ka talagang bata ka. Palaging may halong pambobola,” sabi niya pero tumawa rin. “Sige na, kumuha ka ng tasa. Samahan mo akong magkape.” Nagtimpla ako ng kape saka umupo sa tabi niya. Naging tahimik kami sandali at pinagmasdan ang mga ibon. “Ah Tita,” sabi ko, “Palagi po ba kayong busy sa Maynila?” “Araw-araw halos, sa opisina puro trabaho.” “Kaya nga gusto kong magpahinga muna rito. Gusto ko sanang maramdaman ulit ang simpleng buhay.” “Edi mabuti po at dito kayo pumunta.” Ngumiti siya. “Alam mo, ewan ko kung bakit ang gaan ng loob ko sa iyo, alam mo yun.” Tumingin siya sa akin. Sandali lang iyon pero parang tumigil ang mundo ko. “Siguro dahil mabait ka.” Sabi niya pero mahina ang boses niya at marunong din makipagbolahan. “Mmm. Pwede ring sumagot. O kaya, siguro dahil bukod sa maganda kayo, gwapo rin ako kaya magkakasundo tayo agad.” Tumawa siya pero may halong hiya. “Naku. Baka marinig tayo ng mama mo.” “Hindi po. Tulog pa po yun. Hindi pa nga 7:00.” Nagkatinginan kami. At sa sandaling iyon, parang may kakaibang koneksyon. Hindi ko alam kung ano ito. Respeto, paghanga, o baka simula ng isang bagay na hindi ko pa nauunawaan. Ang alam ko lang, simula nang umagang iyon, hindi na naging ordinaryo ang bakasyon ko at sa bawat ngiti ni Tita Luningning, mas lalo kong nararamdaman na may espesyal sa aming dalawa. Lumipas ang ilang araw, mas lalo kaming naging malapit ni Tita Luningning. Madalas ko silang kasabay sa almusal ni mama. Minsan nakaupo kami sa terrace habang nagkukwento siya tungkol sa anak niya na nasa abroad. Palagi niyang sinasabi kung gaano siya kasaya na kahit paano ay may nakakausap siya rito. Isang araw habang nag-aalmusal kami, sinabi ni mama, “William, baka gabi na ako makauwi, ha? May aasikasuhin lang ako sa bayan. Huwag kayong aalis. Baka mamaya pumunta ka sa mga kaibigan mo para may makasama ang Tita mo.” “Opo.” Bago pa ako makasagot, nagsalita na si Tita Luningning. “Naku, Tess, ayos lang ako kahit mag-isa ako rito.” Ngumiti ako at nagsalita rin. “Naku, Tita Luningning, samahan ko na po kayo para hindi kayo mainip dito.” Tumawa lang siya. Mahina ang tawa niya pero nakakaginhawa. Bandang 8:00, umalis si mama. Naiwan kaming dalawa. Maya-maya pa, nagsimula na siyang magluto ng tanghalian. Naamoy ko iyon, kaya lalo akong ginutom. “Ah, Tita, tulungan ko na po kayo.” Sabi ko habang lumalapit sa kanya sa kusina. “Naku, huwag na, baka makaabala pa ako sa iyo.” “Hindi po. Gusto ko po talagang tumulong para mas mabilis. Ang sarap tingnan ng niluluto niyo.” Nagkatinginan kami. Ngumiti siya. Saka niya inabot sa akin ang kutsilyo. “Oh, sige. Hiwain mo iyan. Pero dahan-dahan lang.” Habang nagluluto siya, nagkwento siya tungkol sa buhay niya. “Alam mo, William, matagal na kaming hiwalay ng asawa ko.” Bigla niyang sabi. “Talaga po? Akala ko may asawa na kayo ngayon.” “Wala na. Iniwan na ako. Sumama sa mas bata at mas maganda.” Natahimik ako sandali. Saka ko sinabing, “Naku, kung pagandahan lang naman po ang labanan, Tita, panalong-panalo na kayo.” Tumigil siya sa paghahalo. “Naku, nagbibiro ka na naman. Hindi ‘yan bola.” Sabi ko sabay tawa. “Kung hindi mo tatanungin, baka nga tipo ko ang mga katulad mo?” Tiningnan niya ako. May halong gulat at pagpapatawa sa mga mata niya. “Talaga? Kahit matanda na ako?” “Syempre po. Sa totoo lang, Tita Luningning, napakaganda niyo po para sa akin.” Ngumiti siya. Yung tipong pilit tinatago ang kilig. “Naku, kung marinig ka ng mama mo, baka pagalitan ka noon.” Tinitigan ko siya nang diretso. “May aaminin po ako sa inyo.” Tumigil siya sa ginagawa niya. “At ano naman yun?” “Nung unang beses ko pa lang po kayong nakita. Nagka-crush na ako sa inyo.” Tumawa siya. Yung mahinhin niyang tawa. “Naku, William, huwag mo akong biruin nang ganyan. Baka seryosohin ko iyang mga sinasabi mo.” “Aba, yun po ang gusto ko. Dahil totoo naman po,” sabi ko nang nakangiti. Natahimik siya sandali. Nakita kong namula ang mga pisngi niya habang hawak ang sandok. “Tita, seryoso po ako.” Ulit ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi siya agad nakasagot. Tumalikod siya at nagpatuloy sa pagluluto. Pero napansin kong nag-iba ang kilos niya. Naging tahimik siya. Paminsan-minsan ay titingin siya sa akin tapos iiwas ulit. Pagkatapos naming kumain, tumambay kami sa veranda. “William,” bigla niyang sabi. “Bata ka pa. Baka nadadala ka lang sa nakikita mo.” “Hindi po. Alam ko po ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kayo nandito. Pero wala. Kayo po talaga.” Seryoso siyang tumingin sa akin. “Alam mo, matagal na akong hindi nakakarinig ng ganyang mga salita. Pero huwag kang masyadong magbiro, ha?” Ngumiti ako. “Hindi po ito biro.” May namuong katahimikan na parang pareho kaming nagdadalawang-isip kung magsasalita ba o hindi. “Tita,” mahina kong sabi. “Ang saya ko po na nandito kayo para magbakasyon.” “Bakit?” Tanong niya. “Kasi po dati, puro tropa lang. Ngayon hindi ko alam. Parang may nagbago, parang gusto ko na laging umuwi agad para lang makasama kayo?” Ngumiti siya. Yung matinding ngiti na may halong lungkot. “Alam mo, William, minsan mahirap nang magtiwala ulit kapag nasaktan ka na. Pero sa mga kalokohan mo, pakiramdam ko natututo ulit akong ngumiti.” Pagkasabi niya noon, tiningnan ko siya. Napakaganda niya talaga kahit walang makeup. Simple lang. Parang nililipad ng hangin ang buhok niya. Sa loob-loob ko, gusto kong sabihin sa kanya kung gaano siya kaespesyal, pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi ako lang ang nakakaramdam nito. Baka gusto lang niya ng makakausap. Pero nang tumingin ulit siya sa akin at ngumiti nang banayad, alam kong pareho kami ng nararamdaman kahit pareho naming hindi inaamin. At nang gabing iyon, habang dumidilim at humahamog sa labas, matagal kaming tumambay nang tahimik, pero pakiramdam ko ay may nagsisimulang koneksyon na hindi namin pinlano. Hindi ko alam kung saan ito patungo, pero sigurado akong hindi ko na maitatago na unti-unti na akong nahuhulog kay Tita Luningning. Gabi na. Hindi pa rin nakakauwi si mama galing sa bayan. Ako naman, nakaupo sa sala, nanonood lang ng TV na mahina ang volume. Kakalabas lang ni Tita Luningning mula sa kwarto niya. Pambahay lang ang suot niya. Simpleng cotton dress. Kulay asul, pero sa tingin ko kahit amoy pawis siya, napakaganda niya pa rin. “Hindi ka pa ba matutulog, William?” tanong niya habang inaayos ang buhok niya. “Hindi pa po, Tita. Hindi pa po ako inaantok. Tinatanong ko rin po kayo. Baka maya-maya, mas mainitan pa ako.” Sabi niya habang umuupo kami sa sofa. Ilang hakbang lang ang pagitan namin. Nagkatinginan kami sandali pero pareho kaming umiwas. “Tita,” lakas-loob kong sabi. “Pwede po bang magtanong?” “Sige. Ano ‘yun?” “Bakit po? Parang kahit lagi kayong masaya, minsan nakikita ko sa mga mata niyo na malungkot kayo.” Ngumiti siya. Yung pilit na ngiti. “Alam mo, bata ka pa. Ang dami mo talagang napapansin. Alam mo, William, siguro dahil matagal na akong nag-iisa. Alam mo na. Walang asawa, walang kapareha, walang nag-aalaga.” Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin pero bigla akong nagsalita. “Kung ganun po, sana dumating ang panahon na ako ang mag-alaga sa inyo.” “Naku.” Mahina siyang tumawa. “Marunong talagang mang-aliw itong batang ito.” “Hindi po iyon pampalubag-loob, Tita. Gusto ko lang po kayong mapangiti sandali.” Tinitigan niya ako. Sa loob ng ilang segundo, walang gumalaw sa paligid namin. “William,” mahina niyang sabi. “Alam mo ba kung gaano kadelikado iyang sinasabi mo?” “Bakit po? Totoo naman po.” Tumayo siya na parang umiiwas pero huminto siya. Humarap siya ulit sa akin. “Baka kung saan pa mapunta ito.” Tumayo rin ako. “Sa totoo lang po, matagal ko na itong gustong sabihin pero nagpipigil lang ako.” “Sige, sabihin mo.” Sabi niya, pero bakas ang pag-aalinlangan sa boses niya. “Mahal ko po kayo, Tita. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero tuwing nakikita ko kayong masaya, pakiramdam ko gusto kong laging nasa tabi niyo. Kapag nakikita ko kayong malungkot, pakiramdam ko gusto ko kayong pasayahin. Gusto ko kayong yakapin.” Natahimik siya at lumapit ako nang kaunti. Hindi ko siya agad hinawakan, pero nagtama ang aming mga mata. Walang salita. Wala rin masyadong masabi. “William!” Mahina niyang sabi. Nakatingin siya sa sahig. Nakita kong nanginginig ang kamay niya. Unti-unti kong naabot iyon. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. Hindi niya ito inalis. Tiningnan niya ako at sa unang pagkakataon ay hindi siya umiwas ng tingin. “William,” hindi ko alam kung sino ang unang gumalaw. Bigla na lang kaming nagkalapit. Tahimik ang paligid, pero sa loob ko, parang may sumabog na matinding emosyon. Hinalikan ko siya. Yung dahan-dahan lang, hindi biglaan. Parang nagtatanong kung pwede ba. At nang hindi siya umatras, tuluyan ko nang idinikit ang labi ko sa kanya. Seryoso, ngayon lang ako nakahalik ng kaedad niya. At kakaiba talaga, Miss Love. Pagkalipas ng ilang segundo, bumitaw din siya. Pareho kaming huminga nang malalim. Nagtama ulit ang aming mga mata. Saka ko hinila ang kamay niya papunta sa kwarto ko. Sumunod ang isa pang halik hanggang sa lumalim ito at tuluyan na ngang may nangyari sa amin. Isa iyon sa mga hindi ko malilimutang karanasan. Sobrang nanabik si Tita. Dahil ilang taon na ring nag-iisa. Single. “William.” Sabi niya habang nakapikit pa rin. “Hindi ko sana hinayaang mangyari ito.” “Patawad po, Tita. Hindi ko na po napigilan.” Umiling siya pero hindi siya nagalit. Lumapit ulit ako. Hindi ko na siya hinalikan pero hinawakan ko ang kamay niya. “Kung dumating man ang araw na kailangan niyo ng karamay, kahit anong mangyari, nandito lang ako.” Ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko. “Ang bait mo talaga, William. Hindi ko alam kung papagalitan ba kita o magpapasalamat ako.” “Baka po pareho.” Sagot ko sabay tawa. Umupo ulit kami sa sofa. Walang nagsalita. Maya-maya pa, sumandal siya sa balikat ko. “Tita! Hmm. Masaya po ako ngayon. Basta masaya rin po ako.” Hindi na siya sumagot pero naramdaman ko ang paghihigpit ng hawak niya. Sa katahimikan, naramdaman kong pareho naming alam na kahit walang kasunduan o pangako, may mahalagang nangyari nang gabing iyon. Hindi dahil sa halik kundi dahil sa katotohanang pinili naming pareho na hindi magsinungaling sa aming nararamdaman. Hindi ko alam kung paano nag-umpisa ang lahat pero alam ko na hinding-hindi ko malilimutan ang mga araw na kasama ko siya. Simula noong gabing naglakas-loob akong halikan siya, parang may nagbago sa aming dalawa. Hindi na namin iyon pinag-usapan pa. Pero tuwing nagkaka-tinginan kami, parang may sikreto kaming alam na kami lang ang makakaintindi. At lumipas ang mga araw na puno ng katahimikan. Pero sa bawat ngiti niya, may bahid ng lungkot na hindi niya sinasabi dahil alam kong malungkot siya na malapit na siyang umalis. “William,” sabi niya minsan habang inaayos ang mga nilabhan niya. “Isang linggo na lang, babalik na ako sa Maynila.” Napatigil ako. Parang bigla akong nawala sa sarili. Ang bilis naman. Parang kailan lang nung dumating kayo. Ngumiti siya. Yung paborito kong ngiti niya. Yung parang nagtatago ng lungkot sa likod ng lambing. “Ganyan talaga. Kapag masaya ka, ang bilis lumipas ng araw. Anak ka ng kaibigan ko. Nandito sana ako para mag-relax. Pero binago mo ang isip ko.” Tumawa siya pagkatapos niyon. Pero hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Simula noon, mas naging malapit kami pero kapag may mga kapitbahay o tao sa paligid, hindi kami masyadong naglalapit. Pero tuwing gabi, kapag tulog na si mama, naririnig ko ang marahan niyang mga yabag sa pasilyo. At minsan nararamdaman ko ang paglapit niya nang dahan-dahan sa pinto ng kwarto ko. At doon ko muling pupunan ang pangangailangan niya na alam kong matagal na niyang hindi nararanasan. Hindi na niya kailangang magsalita. Sapat na ang kanyang mga tingin para maunawaan ko kung ano ang gusto niyang iparating na pareho naming ayaw matapos ang mga sandaling iyon. Iyon na ang huli niyang gabi sa bahay. Nagkape kami sa labas. Sa ilalim ng malamlam na ilaw, sa malamig na simoy ng hangin. “Aalis na ako bukas.” Mahina niyang sabi. Tumango lang ako. “Alam ko po. Salamat sa mga ginawa mo sa akin dito. Naging masaya ang bakasyon ko dahil sa iyo.” Ngumiti ako pero pilit lang. Tiningnan niya ako. Hindi siya ngumiti. Naging tahimik kami ng ilang segundo hanggang sa siya na mismo ang nauna. “William,” mahina niyang tawag. Sumagot ako. At pagkatapos ay hindi ko na napigilang lumapit din. Dahan-dahan hanggang sa muling magkalapit ang aming mga labi. Hindi tulad ng unang beses. Mas mabagal, mas matindi. Parang pareho naming alam na ito na ang huling pagkakataon. Mainit ang kamay niya sa pisngi ko at naramdaman ko itong gumagawa ng daan. Ayaw ko sanang bumitaw pero alam kong kailangan. Pagkatapos noon, matagal kaming nagyakapan. Walang salita, walang pangako. Pero sa pagitan ng aming yakap, naramdaman ko ang pagtibok ng aming mga puso, mabilis, totoo at natatakot din. “William!” halos pabulong niyang sabi sa tenga ko. “Bata ka pa. Isipin mo na lang ang magandang karanasang pinagsaluhan natin.” Isang pangyayari na hinding-hindi namin pareho malilimutan. At dadalhin namin ito habang-buhay. Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-aayos na siya. Nakita ko siya sa sala, bitbit ang maliit niyang maleta. Abala rin si Mama sa pagtulong sa kanya at pakikipagkwentuhan. Pinagmasdan ko siya nang tahimik. “Ah, William,” sabi ni Mama, “Ihatid mo na lang si Tita Luningning mo sa terminal.” Tumango ako. Ayaw ko sanang ipahalata pero mabigat sa dibdib. Habang nasa tricycle kami, walang nagsasalita sa aming dalawa. Pinagmasdan ko siya. Maayos ang suot niya. May simpleng pulang lipstick siya sa labi at nakatali ang buhok niya na paborito ko. Nang makarating kami sa terminal, ibinaba ko ang maleta niya. “Salamat, William.” Sabi niya habang inaayos ang bag. “Salamat sa lahat. Magpakabait ka, ha.” “Magpakabait po kayo, Tita. Hindi na po ako bata, Tita.” Nakangiting sagot ko. Mahina siyang tumawa. “Nga pala, hindi ka na bata.” Pagkatapos noon, humakbang na siya palayo. Pero bago siya tuluyang makalayo, lumingon siya ulit. “Alagaan mo ang mama mo.” “Opo, Tita.” Sagot ko at sana magkita pa ulit tayo. Ngumiti siya pero ngayon ay may ilang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Baka sa susunod, William, magkita pa tayo ulit.” Nang makasakay siya at habang umaandar ang bus, nakadungaw siya sa bintana. Diretso ang tingin sa akin. Tinaas ko ang kamay ko at kumaway. Gumanti siya. Sa mga sandaling iyon parang huminto ang mundo ko. Nang makauwi ako, sobrang tahimik. Pumasok ako sa kwarto at doon ko naramdaman ang bigat ng lahat. Pero kasabay nito, may kakaibang saya sa pakiramdam na kahit sandali lang ay naging totoo ang aming naramdaman. Maaaring hindi ito panghabambuhay pero sapat na ito para mag-iwan ng isang bagay sa puso ko na dadalhin ko habang-buhay. Ngayon Miss Love, tuwing naaalala ko si Tita Luningning, hindi ko iniisip yung halik o yung mga gabing magkasama kami. Ang tanging iniisip ko ay ang kanyang ngiti, ang kanyang mga tawa at kung paano niya itinuro sa akin kung ano ang ibig sabihin ng nararamdaman. Yung marunong magpigil, marunong umunawa, at marunong magpaalam nang may respeto. At sa bawat taong darating sa buhay ko, alam kong may bahagi ng sarili ko na laging magpapasalamat kay Tita Luningning para sa babaeng dumating sa buhay ko nang panandalian at umalis tangay ang isang piraso ng puso ko na hindi ko na mababawi pa. Pero ayos lang dahil sa huli naming alaala, magkasama kaming ngumiti. Maayos kaming nagpaalam sa isa’t isa at iyon ang naging katapusan ng isang bakasyon na hindi ko kailanman malilimutan. Ito ang maikling kwento ng buhay ko. Ako po si William. Maraming salamat po sa pag-ere ng aking kwento.

Disclaimer: This story is fictional and created for entertainment purposes only. Any names, characters, places, or events are fictitious or used fictitiously. No real person or organization is intended to be portrayed.

Recommended for You

View Archive arrow_forward